6.11.04

If the world stops revolving, I would spend the end with you….(from the song …IF)

Ser ano yong order ninyo? (nasa paboritong nilang beerhouse si Dante at si Kuya Joey sa may Timog) Ako bigyan mo muna ako ng malamig na beer at sisig, tong si Dante…kasama ko, bigyan mo siya ng kalibre kwarenta y singko at tintura de yodo ( lason ) o kaya lubid at halo block at ituro mo sa amin yong pinakamalapit na ilog dito... pero yong konti lang ang burak baka mamatay sa baho itong si Dante pasensiya ka na at broken-hearted tong kasama ko...ser ako singol pa (single daw)...sabay singit ng silbidora...wag kang magpatawa baka sabunutan kita...balik ni kuya joey...tapos bigyan mo siya ng marka demonyo, dahil sumama sa ibang lalaki si Angel childhood sweetheart ni Dante...itutuloy ang inuman….

2.11.04

Natatandaan mo pa ba…ang unang pasko na kasama ka last part

What do you see in me when you look at me that way?....during sa birthday party ng kanilang ka opisina two weeks ago, nahuli kasi ni Teresa na nakatitig si kuya joey kay Teresa at that unguarded moment…Tanong ni Teresa habang sila ay nasa Davao airport waiting for their flight back to manila, sabi ni kuya joey mamaya ko na sasagutin iyan may kaba ako na hindi tayo makakasakay ng eroplano ito, last flight na ito to manila, it is 24Dec…15 years na paikot-ikot sa distino sa pilipinas si kuya joey pero ngayon lang siya nakakuha ng return flight ng bisperas ng pasko, asar siya dahil alam niyang maraming bulilyaso sa ganitong flight sked…tama ang kutob niya nakita niya ang dalawang VP for engineering sa executive lounge…mamaya nag-ring ang cell phone ni kuya joey..they have to go back to the central office…me problema daw…pero ang suspetsa ni kuya joey na bump out sila sa plane seat ng dalawang VP in disguise of ….planted unexpected network telecom problem…tumawag na si kuya joey sa manila sa misis niya naintindihan naman ng kanyang kumander…so sa madaling salita sa davao sila mag celebrate ng xmas eve…sa madaling salita they just go to their favorite KTV and disco just to celebrate xmas eve…I see in you a charming and undeniably beautiful woman, I will admit I will fall for you kung binata ako …yan ang sagot ko sa mga tanong mo..binaba ni Teresa ang tasa ng kanyang kape at sa di inaasahang pagkakataon nagtama ang kamay ni Teresa at ni Kuya joey at hindi na binitawan ni Teresa ang kamay ni Kuya Joey, bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko…tumulo ang luha sa mapupulang pisngi ni Teresa habang binibigkas ang mga katagang ito…habang pinahid naman ng maiinit ng palad ni kuya joey ang mga luha…ay tumutugtog naman ang kantang….natatandaan mo pa ba…ang unang pasko nakasama ka….bakit yong panahon dapat nakilala kita….ay hindi man lamang ibinigay sa akin ang mga pagkakataon…dama-dama ni kuya joey ang paghihirap ng loob ni Teresa ng mga oras na iyon…ngunit wala siyang magawa….after one week kuya joey got a note…that goes this way…I can not find words to express how I feel for you…destiny should have not let us met… it was one my beautiful xmas eve…so far …with you…have filed my vacation for a month …going to my mom in San Diego (Cali)…be back…and I know I can not have you…but you will be in my heart….always… Teresa….parang gusto madurog ang puso ni kuya Joey….habang uma-alingawngaw ang pamaskong kanta na…natatandaan mo pa ba…ang unang pasko na kasama ka…

22.10.04

Natatandaan mo pa ba…ang unang Pasko na kasama ka…Part2

Magkasintanda lang si Teresa at si kuya Joey, Teresa started in the other rival telco after graduation, and then transferred to Kuya Joey’s telco on her mid-career, laging partners in trabaho si kuya Joey and Teresa sa madaling sa salita para silang kape at gatas, puto at dinuguan at iba pa…minsan nga nakarating na sa misis ni kuya joey na sila lagi ang magkasama, sabi ni kuya Joey, trabaho lang yon, minsan meron silang project sa Boracay …natural isinama ni kuya joey sa boracay ang kanyang misis dahil first time nila doon pero with kasamang trabaho, doon nakilala ng misis ni kuya joey si Teresa, sabi ni ng misis ni kuya joey….hahaha…you will not fall for her…mas maganda ako sa kanya…sabi ni kuya joey…conceited mo naman….pero dalaga siya diba? Sabi niya?sagot ni kuya joey…siguro talagang mabait lang si kuya joey at harmless…hehehe…wala siyang nafifi-feel na emotional attachement kay Teresa…mahilig din sa tabing dagat si Teresa, minsan tumigil sila sa FAT, at they spend half a day just talking everything under the sun… sa Puerto Azul if they had telecom projects in Cavite, or Teresa will cook for a lunch during a Saturday overtime in her condo…minsan tinanong ni kuya joey si Teresa…sabi ni Teresa…wala pa rin akong emotional attachment sa yo Jose really!!!…sabay halakhak ng katulad ni Elvira sa ..two for the road…mas close pa nga si kuya Joey when it comes to disclosing secrets and telling everything to Teresa…pero minsan tinanong niya kay Teresa …Did you met the man of you dreams yet?….sa next issue sasagutin ni Teresa…abangan…

13.10.04

So let the song remain forever in you heart

Pansamantalang pinuputol ko muna ang serye ng…Natatandaan mo pa ba…ang unang Pasko na kasama ka So let the song remain forever in you heart, Alam mo Bong K, pinanganak akong mahirap, pero 3 years old palang ako natuto na akong bumasa ng tagalog dahil sa komiks at Liwayway tuwing sabado ang labas nito at mahilig magbasa ng liwayway ang nanay ko, well sa totoo lang my 4th son is a gifted child as evaluated by Toronto catholic school board, hindi ako gifted pero maaaga lang akong natutong bumasa ng komiks hehehe..noong 7 years old ako niregaluhan ako ni nanay ng second hand na typewriter, gusto kasi niya akong maging writer, sabi niya itatakwil niya akong anak kapag hindi ako kumuha ng AB English, galit nga siya sa akin dahil gingineering ang kinuha ko hehehe….ang sabi ko sa nanay ko hindi ko puwede pakasalan ang typewriter at pakisamahan dahil ang gusto kong mahipo instead sa tiklado ng makinilya ay ang mga dulo ng hugis-kandila daliri ng mga dilag sa Caloocan..hehehe…sabi ng aking ina…magtigil ka Jose…sa ayaw mo at sa gusto mo…magiging writer ka…pero inay …ayaw ko talagang makita ang mga tiklado ng typewriter…pero siguro I have ended my sentence too early, dahil naimbento ang computer na me kasamang keyboard, which in reverse now…sabi nga ng misis ko, buti yang keyboard ng PC mo laging nahihipo, pero yong bago kong lagay na Victoria Secret Lotion sa kamay ko hindi mo napapansin…hmmp… Bihira lang ang nabibigyan ng skills na ganyan, na you have the eyes, thoughts and the coherence of a gifted writer, you have to continue writing because you are a gifted writer, do not worry about your critics, they are there to cement your profound thoughts and ideas…sabi nga nga pinsan kong professor sa La Salle na speech ghost writer ng mga sikat ng individual sa pilipinas na ….how is so profound that a writer can stir the thoughts of their readers thru their writings… . so let the song remain forever in your heart…Bong K.

11.10.04

Natatandaan mo pa ba…ang unang Pasko na kasama ka

You came late into my life, hindi dahil late kang pinanganak kaysa sa akin, we almost share the same birthday and you became my soulmate, and that made our soul intertwined, mga bagay na pumasok sa isip ni Kuya Joey habang siya ay sandaling tumigil sa Roxas Blvd at pagmasdan ang dating ng alon sa dalampasigan…tawagin na lamang natin siya sa pangalan Teresa, si Teresa ay junior engineer ni Kuya Joey sa kanilang telecom company sa Pinas, they share the same ideas, thoughts and they talk on the same wavelength and spectrum…itutuloy….

9.10.04

Love begins with one hello

Kababa pa lamang sa metro manila transit na per zona bus worth 2 pesos and 25 centavos per zona, ni Kuya Joey sa tapat na Makati Stock Exchange, galing siya ng Letre, meron naunang bumaba na bebot mga 5 foot one, meztisa, nakasuot ng golden Chinese silk dress na close neck emphasizing her long white beautiful neck, backdrapped by stunning long black straight shiny hair that clings almost to her beywang, with a coca cola body in her curvatures….ahh I loved that coke bottle-shaped body… it was a September morning, as her Tatiana perfumes mixes with the morning air, reached and soothed my nostril, I will never forget that day, oh boy this moment is one for the books, as I glued my eyes on her, she made a side look and smiled to me, it was just like magic….I noticed she goes in our head office while I entered the opposite general bldg where I worked as a budding engineer, I reached out for her bago siya lamunin ng malaking pinto ng aming headquarter, and say, HELLO, I am joey biglang-awa, extend her petite, as soft as silk hand and say hello, too…hello the most overused word in my telecom company, but the word used to start a journey of thousand miles, love begins with one hello…parang kanta kuya joey

24.9.04

Paano Kung wala ka na - Last Part

Me katwiran ka diyan hindi ko rin alam…sagot ni kuya joey, hmmp…sabi ni Keanna magkasabwat kayo no…pero hindi sagabal ito upang tuluyan ng magkalapit ang kanilang mga puso…minsan sa opis…sabi ni kuya joey…pre hindi sa nakikialam ako me sabit ka na raw ba?…pabiro ni kuya joey…natawa lang si hernan…sabi ni kuya joey…galing ni keanna…no …labi pa lang ulam na….hehehe…ikaw talaga boss joey..o..pre swerte ka na ke keanna…sabi ni boss joey ke hernan…pero tunay maigsi lang ang kanilang kaligayahan…habang nagkakape sina kuya joey …kaharap sina keanna at hernan…magkadikit ang kanilang mga katawan mula paa hanggang balikat…kahit sinong makakita ay iisiping sila na nga…biglang na lang may pumasok na pilipina pero mestiza nananilaw sa dami ng alahas sa katawan…tipong matrona ang dating…pinagsisagawan si Hernan at tinakot si Keanna…pati si kuya joey nadamay sa galit ng matrona….asawa pala ni hernan taga Montreal…tinatakasan…inilayo muna ni hernan ang kanyang asawa…upang hindi tumagal ang eskandalo sa Tim Hortons…Kinabukasan bumalik si Kuya Joey sa Tim Hortons wala na si Keanna.. sabi noong manager umuwi muna sa Vancouver…nagpapalamig muna… Parang kanta…kuya joey… Some part of the lyrics…song of the same title, I really like this song… when my MU in high school went to Japan…there are times when her memory lingers on…one of the woman I have love that shaped my soul…influences me as an individual…I seldom show my caressing soul to her and yet I have not said the magic word and yet we said goodbye..she had said to me thru her eyes all her feelings for me without opening her lips..i know from the deepest part of her soul she loves me…I should have reciprocated..the feelings…playing the song on my car…soothe my troubled soul…keep me guessing where in the hell is she now?…what would my life be?....kung kami ang nagkatuluyan…pareho kaming taga Caloocan…siguro wala ako sa Toronto…all I can say thru the cold door of the airport…GOODBYE...as she walked away to the boarding gates …I know deep inside…she was crying…I hate goodbye…. Paano kung wala ka na? Paano ba ang mag-isa? Bago ka lumisan sana ay…maturuan mo Kung paano’y limot ko na Next topic Love begins with one hello….

17.9.04

Subway experience in NY

Sumakay ng subway si Jojo (barkada ni kuya joey …kasama niya dati sa telecom… mga ten years na rin nakatira sa Queenn’s NY pareho silang mukhang negrong latino kaya hindi silang mukhang noypi) at si kuya joey papuntang sila ng wall street…merong sumakay na alam nilang noypi at umupo sa kanila tapat…ingles ang daldalan ni kuya joey at ni jojo kaya hindi sila nahalatang pinoy ng kasasakay pa lamang na pinoy…sa susunod sa station me sumakay naman na nurse na pinay – nakauniforme ng nurse kaya alam ni kuya joey at jojo na nurse..kaso ang malas niya umupo siya sa tapat ng pinoy na malagkit ang titig kay nurse…napaismid si Nurse at ang sabi niya na dinig ni kuya joey at ni jojo….BWUSIT NAMAN NA MAMA ITO …MUKHANG UNGGOY….halos mahulog si kuya joey at si jojo sa upuan sa sinabi ni nurse…pero ang gulat nila hindi man lamang nag-react ang pinoy na sinabihan na unggoy…pero eto sa susunod na istasyon me sumakay naman na pinoy at kilala pala si unggoy na pinoy…sabi noong bagong sakay na pinoy kay unggoy pinoy…kumusta ka na pre…sabi ni unggoy na pinoy…ETO PA-UNGGOY-UNGGOY LANG…SABAY TINGIN SA DIREKSYON NG NURSE….muntik na mahulog sa upuan si nurse…HEHEHE..PULANG PULA SA HIYA …SI NURSE…KAYA NAPILITANG BUMABA SIYA SA SUSUNOD NA SUBWAY STATION… Moral lesson…huwag magsasalita ng pinoy sa subway….ilokano or bisaya na lang…. Tinuod dong …day…manong…manay…manoy…manang

Paano kung wala ka na...sa Tim Hortons Part5

Habang nagkakamay sina Hernan at Keanna ay tila umaagos ang init ng pag-ibig sa kanilang dalawa, mga ngiti niya Keanna ay may himig ng awit ng pag-ibig, mga galaw ng bisig ni Hernan ay may halong saya. Naghintay pa ng 9 o clock pm si Kuya Joey at Hernan oras ng uwian ni Keanna, pumayag magpahatid si Keanna kay Hernan pero ibaba muna si Kuya Joey sa opisina at lilipat sila ng kotse..diyaskeng Hernan ito a …tumodas agad ah…Kinabukasan kumain sila sa 51st flr ng Manulife center, the view is astonishing 360 degrees Toronto by night, parang sky line ng New York, parang scene sa Sleepless in Seatle, the view, setting and feeling were so romantic when dining under a cover of a golden full moon, the magnetic effect of a full moon is on a high on these two romantic individual…ang kuwento ni Hernan kay kuya joey, his last night date with Keanna was one for the books, sabi ni kuya joey kapag nakuha mo si Keanna para kang tumama sa lotto, solve na ang problema niya sa kanyang immigration problems (ni Hernan) at super seksi pa…hehehe. Kinabukasan dumaaan sa drive thru si kuya joey...ok iyan kaibigang mong si Hernan…sabi ni Keanna …tanong naman ni kuya joey…ok lang ba?...sabay balik ni Keanna …baka me sabit nayan?…iyon ang biglang pumasok sa isip ni kuya joey ….oo nga ano? Meron na kaya?

9.9.04

Never ending interstate 90 and 87

Never ending interstate 90 and 87 – from north york Ontario to new york, new york Total Est. Time: 8 hours, 22 minutes Total Est. Distance: 540.19 miles Pahinga muna tayo sa tim hortons…. kuwento ko lang yong travel ko sa new york na me kasamang trabaho at pasyal…also to pick up my three sons from my in-laws in new york dahil pasukan na dito sa Toronto..last time na punta walang cruise control yong dala kong kotse kaya tumigas ang….(hmmp…ang beberde ng utak ninyo!!! binti ko… katatapak sa gas pedal for nine hours…ngayon me cruise control si suv kaya ang aking kaliwang kamay nakahawak sa manibela….ang kanang kamay nakahawak sa….(hmmp… ang beberde ng utak ninyo!!!) sa kamay ng misis ko …holding hands kami habang nag–tratravel…sweet no…nakatatlong hinto kami sa rest area sabay bili ng kape sa mcdo…to keep me awake…napaos na nga si joey albert, pops Fernandez and regine sa kakakanta …puro cd nila ang dala ko …si blackjack namuti na sa kakanta ng kanyang bakla song na …DARNA…ayun konting computer network activation, testing and troubleshooting sa aming cliyente sa wall street…medyo mahigpit dahil me convention si BUSH…pasyal and spend time talking with my wife and kids sa central park ….isa sa mga paborito kong lugar sa NY …parang nasa greenbelt, makati ka...bring back memories …tabi lang kasi nang opisina namin dati iyang greenbelt…siyanga pala habang nasa NY nabuksan ko yong site ni Tito Rolly….hanep ka Rolando ( Rolando ba ang full name…kasi pagnatutuwa ako tinatawag ko ng full name ang mga barkada ko) UE-Recto fine arts ka ba? Kasi pareho kayo ng bagsak ng kamay at kumbinasyon ng kulay..ng mga barkada ko sa UE…nakarating ka naba sa Angono? Siya nga pala belated happy birthday…siyanga pala naranasan ko na rin iyan mga me bold model…sa aming SLR photography class…magandang experience…hehehe…anyway belated happy birthday uli…ROLLY…

3.9.04

Moments in a sandy shore

We should have met twenty summers ago Beyond belief You move my feet stunningly Sea water caresses my Achilles heel Smiles was cold as the water on my feet No qualms about tomorrow For tomorrow you are gone As the sun set on your shoulder Wishing tomorrow will come With another smile from you No more goodbyes Only goodnights…

Since I have you

You have changed my life from purple to red To know the pain of having you near me It was like a bed of roses when you are in my arms To fantasize till morning come And let love flow on your heart endlessly But happiness was short and instant Filling my emptiness with your smile Smiles that etched within me Smiles I will surely missed As I watch your footstep Thru that door…. Closing that door That shattered my silence Now you are gone Only your footstep is left longing For you fragrance And I see your smile just floating in the air You are gone…….

1.9.04

A miracle happen in the boardroom today

Pahinga muna tayo sa kapihan...sa tim hortons mga experience ni kuya joey sa canada A miracle happen in the boardroom today Players: CEO chief executive officer COO chief operating officer CFO chief financial officer CTO chief technical officer CTO alalay number1 CTO alalay number2 Kuya joey - technical adviser to the CEO This was the highlight of the sisihan meeting converted in to Philippine setting style of management... CTO chief technical officer – you are stepping into my authority!!!! troublemaker... (galit na galit na sumisigaw sa direksyon ni kuya joey... Kuya Joey – isang brown pinoy sa kuko ng mga puting agila (technical adviser to the CEO) Sabay sagot ....tingin sa direksyon ng CTO You know what...mr CTO I just did 3 things today. (parang pelikula sa few good men...did you ordered the code red?...tom cruise is questioning the Col...Nicholson) ang takbo ng meeting Number 1 – I just covered and saved your ass today for your group fails to see the incoming network breakdown... Number 2 – I just saved the company 3 million dollars to avert the damages caused by your crap... And number 3 – I just closed the deal for 20 million for the next 20 days for not having your technical disaster in our network And added that revenue worth 20 million to our coffers… And of course...all my course of action, CEO and COO were informed thru email all of my pre-operations actions.... and lastly my name is Joey Biglang-awa!!! the new technical adviser to the CEO and I demand to be respected...Sir!!! sabay tingin sa direksyon ng CEO CEO - what a job you did today...you have caught them (CTO group) by surprise...hehehe...mr Joey Kaka-bakaba si kuya joey ng sinabi niya ang word na...covered and saved your ass...straight face sa kanila CTO...sabi niya sa sarili niya...those who never takes the risk never win...and cannot be push around forever...salamat sa management training niya sa Europe CTO alalay 1 whispering to alalay 2 which kuya joey overheard...that is the reason why this brown Canadian is hired for...to troubleshoot and damage control hehehe...tatawatawa ...bubulongbulong ....sabi ni kuya joey sa sarili niya...sa pilipinas almusal ko lang iyan ...troubleshooting and damage control...from batanes to jolo I am a telecom troubleshooter...

27.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons part 4

Ayos...araw ng suweldo, biyernes, walang lakad si kuya joey at ang alalay niyang engineer na si Hernan, at higit sa lahat kalibugan (este kabilugan) ng buwan, sa project management magandang signal ang start ng project during when moon is waxing…madalas successful ang project...ngingisi-ngisi si kuya joey...sabi ni kuya joey lika sama ka...alas singko na...tim hortons tayo...kape tayo...ayaw sabihin ni kuya joey ang game plan...ibig niyang sorpresahin si Hernan...pinark ni kuya ang suv...boss bakit hindi tayo nagdrive thru...inde me bagong luto daw dito na donut malake...natatawa si kuya joey...ng tumapat sila kay keanna at umorder si kuya joey ng large decaf regular...si Hernan...natulala...hehehe...tinamaan yata si kalbo...si keanna..parang ice cream na nabilad..sa ilalim ng araw...bigla siyang natunaw...she's melting...she's wetting din kaya?..hehehe...tinamaan din yata... hindi large decaf ang naibigay kay kuya joey...hehehe...ang galing talagang maging cupido ni kuya joey…sabi Hernan...bossing joey kaya pala madalas ka dito sa kapehan...teka teka...umupo muna na tayo at aking nanamnamin itong kape ko...hehehe...mukhang tinamaan pareho si hernan at keannna...ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa...abangan

23.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part3

Nasabi sa ni Keanna kay kuya joey na she have four bf in the past pero they came distant second to her good books and her warm bath...uy sabi ni kuya joey tagline yan sa jerry Maguire...hehehe...sabay tingin niya wedding ring ni kuya joey…siguro swerte yang asawa mo sayo kuya joey...superkenkoy ka..bakit dahil ba malake ang tenga ko kamukha ako ni kenkoy ...sabi ni kuya joey....malas nga lagi siyang (asawa ni kuya joey) napapautot sa pagtawa kapag magkasama kami sabi ni kuya joey...pero sabi ni kuya joey maiba ako me pakilala ako sayo sa susunod na balik ko dito...si Hernan...sabi ni kuya Joey kay Keanna...guwapo ba...binata ba? matigas ba...ang paninigdigan...mahaba ba...ang pasensiya mga tanong na me halong malisya ni Keanna kay kuya joey...hehehe Si Hernan ay matinik sa babae...aaaaay superguwapo...as in superguwapo talaga sa lengwahe ng mga kolehiyala...kamukha siya ni Troy Montero...uy lumalabas yata ang feminine side ni kuya joey..nababakla siya..hehehe...kapag nasa beerhouse lahat ng magagandang chikababes sa Airport Road napupunta kay Hernan..pero me problema si Hernan...kalbo siya..hehehe me HIV (hair is vanishing) mawalang galang sa mga kalbo…pero sabi ni nanay lolit magaling daw sa chicks ang mga kalbo...bakit kaya...pero malakas ang esq (tanduay)...hehehe esp ni kuya joey na me lihim si Hernan sa pilipinas...kaya siya nasa Canada...ano kaya ang lihim? Abangan….

16.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part2

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part2 Dalawang beses nalaglag ang white jockey undies ni Kuya Joey, una sa front bumper…(oo nga pala itago na lang nating siyang sa pangalang Keanna) pangalawa sa rear bumper …wow kamukha niya si Vivian Velez from head to foot…..mga mata niya katulad ni Pops Fernandez at Hilda Koronel…at ang shoulder length na buhok niya ay kasing itim ng gabi at napakaganda ng kintab habang tinatamaan ng gintong araw na sumuwang sa bintana ng Tim Hortons…hindi magkamayaw ang mga katagang binibitiwan ni Kuya Joey…sa pagka-flawless ng chikababes na ito…mga tatlong balik din sa Tim Hortons si Kuya Joey bago napalagay ang loob ni Keanna kay kuya Joey..kaya eto me niyerbiyos na si kuya joey sa kakainom ng kape sa Tim Hortons at mataas ang kanyang blood sugar dahil sa sobrang tamis ng ngiti ni Keanna...hehehe Nalaman ni kuya joey na dalaga pa si Keanna, galing sa Saudi na nurse at landed immigrant na sa Canada, she is just waiting for the results of her qualifying test sa nursing so she can work as a nurse in Canada, habang wala pa so eto..tagabigay siya ng kape sa Tim Hortons…. wala na sa kalendaryo (pasado trenta na) pero nasa lotto pa…at matindi pa ang asim ni Keanna, miski ilang sinigang pa ...kayang paasimin ni Keanna..nasabi tuloy ni Kuya joey kay Keanna …siguro bulag yong mga nakikilalang mong mga lalake at mukhang hindi ka maligawan?…sabi niya umabot raw siya sa ganitong idad pero hindi pa raw niya nakikita yong lalaking magpapatibok ng puson niya…este puso… Me naiisip si kuya joey…. ipakilala ko siya sa aking contract worker na junior engineer…si Hernan….napapangisi si Kuya Joey….mabangis sa babae si Hernan… Itutuloy….

14.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Backgrounder….Paano kung wala ka na …meron version ni Pops at Eva Eugenio… Tim Hortons to yong pinaka starbucks ng Canada Bagong bili ang kotse na toyota rav ang kumander ni kuya joey ng idrive niya sa drive-thru ng tim hortons…iniwan niya sa bahay yong kanyang SUV…ipapamporma kasi ni kuya joey bago.. ng umoorder siya sa speaker ang narinig boses ay pinay palagay niya ….miski hindi pa nakikita ni kuya joey yong boses na kahalihalina…ganito ang narinig ni kuya joey …I do not want to talk to anybody on earth for the next three hours…nagulat siya o di pumarada siya at umorder sa counter and to check that voice…o naisip ni kuya joey dating starlet ito sa pinas..she is improvising she is an actress… hehehe Wow..maganda pala siya..uminit lang yong ulo niya dahil nakaaway niya yong kasama niyang bumbastik(bumbay) sa counter…sabi ni kuya joey.. Itutuloy…

13.8.04

Tag-araw

Joey…bakit ang lamlam at ang lungkot ng mga mata mo sabi ni Janet (itago na lamang natin siya sa pangalang.... Janet taga Proj 7…ang nickname niya ay Jeng for short…kasi mahilig siyang mag short…hehehe…ito ang mga katagang namutawi sa labi ni Janet…sabi ni Joey kasi mahirap lang kami…marami akong problema sa bahay...pinapa-solve ni Janet kay Joey ang second derivative ng isang trigonometric equation…buong suyo namang ginawa ni Kuya Joey..full scholar noon si kuya joey sa isang universidad sa maynila…kaya marahil nahulog ang loob ni janet kay kuya joey at dito ang simula ng isang magandang pag-ibig..nasundan ito ng mga simba sa manila cathedral tuloy sa fort santiago…pero dumadaan muna sila sa first..second…third bago sa fort…hehehe…jogging tuwing Sunday morning sa likod ng film center…tag-araw sa may dagat namasyal…. Parang kanta kuya joey… Tag-araw sa may dagat namasyal…..

Kung Ikaw ay Isang Panaginip

Nagkasabay kami sa jeep from city hall to 10th ave kanto…sabay kaming bababa sa aming high school…si Ara (itago na lamang natin siya sa pangalang ito…Ara…bestfriend ni Carmina…ayaw ni nanay lolit niyan..hehehe) si Ara by any standard ay superganda…. finalist siya sa miss magnolia noong araw…kung remember ninyo…si mary massab na mainstay sa iskul bukol…kabatch niya sa miss magnolia…anyway…habang nagbabayad si Joey ng pasahe nahawakan niya ang kamay ni Ara…it was like magic…he was holding her hand it seems like an eternity…ito ang simula ng kanilang MU (mutual understanding without expressing the word I love you…) ayaw nilang pabuko sa barkada….at doon nagsimula ang isang magandang panaginip…ngunit langit at lupa ang kanilang pagitan si Ara ay kinikilalang angkan sa bayang ito…. samantalang si kuya Joey ay taga iskwater…naging piping saksi sa kanilang dalawa ….ang gym ….ang oval…ang college bldg..at ang library….at ito po ang kanta ng hotdog ng mga panahon na iyon ….dekada 70… Hindi ako makapaniwala…na ikaw ay nasa aking piling…kung ikaw isang panaginip….. Ayaw ko nang magising… parang kanta Kuya Joey… is this song ….a Hotdog classic? …if my memory serves me right…. the lead female vocal then was Miss Mazo…also Ella del Rosario and the last female lead vocal was Zsa Zsa Padilla..

12.8.04

Love Won't Let Me Wait

Love Won't Let Me Wait Move a little close to me, you owe it to yourself And I will selfishly take a little for myself And it's because of you That love won't let me wait We met again…now at the wrong time..you have mistaken my silence for being insensitive..i have considered you as my soulmate…and yet you were not free….

Tell Me

Tell me where did I go wrong….mga piraso ng kanta ni Joey Albert…kantang bumibingi sa aking pandinig ng umalis si Aleli (hindi tunay na pangalan) upang pumunta ng bansang Hapon…upang mag-japayuki …alam ni Joey…na ito na ang katapusan ng magandang pag-ibig…hindi na siya babalik sa aking piling…habang nilalamon ng makapal na ulap ang kanyang eroplano…ay tumutugtog ang kanta ni Joey Albert…tell me where did I go wrong…sa malamig na paliparan ng NAIA….ahh….naglahong pag-ibig