27.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons part 4

Ayos...araw ng suweldo, biyernes, walang lakad si kuya joey at ang alalay niyang engineer na si Hernan, at higit sa lahat kalibugan (este kabilugan) ng buwan, sa project management magandang signal ang start ng project during when moon is waxing…madalas successful ang project...ngingisi-ngisi si kuya joey...sabi ni kuya joey lika sama ka...alas singko na...tim hortons tayo...kape tayo...ayaw sabihin ni kuya joey ang game plan...ibig niyang sorpresahin si Hernan...pinark ni kuya ang suv...boss bakit hindi tayo nagdrive thru...inde me bagong luto daw dito na donut malake...natatawa si kuya joey...ng tumapat sila kay keanna at umorder si kuya joey ng large decaf regular...si Hernan...natulala...hehehe...tinamaan yata si kalbo...si keanna..parang ice cream na nabilad..sa ilalim ng araw...bigla siyang natunaw...she's melting...she's wetting din kaya?..hehehe...tinamaan din yata... hindi large decaf ang naibigay kay kuya joey...hehehe...ang galing talagang maging cupido ni kuya joey…sabi Hernan...bossing joey kaya pala madalas ka dito sa kapehan...teka teka...umupo muna na tayo at aking nanamnamin itong kape ko...hehehe...mukhang tinamaan pareho si hernan at keannna...ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa...abangan

23.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part3

Nasabi sa ni Keanna kay kuya joey na she have four bf in the past pero they came distant second to her good books and her warm bath...uy sabi ni kuya joey tagline yan sa jerry Maguire...hehehe...sabay tingin niya wedding ring ni kuya joey…siguro swerte yang asawa mo sayo kuya joey...superkenkoy ka..bakit dahil ba malake ang tenga ko kamukha ako ni kenkoy ...sabi ni kuya joey....malas nga lagi siyang (asawa ni kuya joey) napapautot sa pagtawa kapag magkasama kami sabi ni kuya joey...pero sabi ni kuya joey maiba ako me pakilala ako sayo sa susunod na balik ko dito...si Hernan...sabi ni kuya Joey kay Keanna...guwapo ba...binata ba? matigas ba...ang paninigdigan...mahaba ba...ang pasensiya mga tanong na me halong malisya ni Keanna kay kuya joey...hehehe Si Hernan ay matinik sa babae...aaaaay superguwapo...as in superguwapo talaga sa lengwahe ng mga kolehiyala...kamukha siya ni Troy Montero...uy lumalabas yata ang feminine side ni kuya joey..nababakla siya..hehehe...kapag nasa beerhouse lahat ng magagandang chikababes sa Airport Road napupunta kay Hernan..pero me problema si Hernan...kalbo siya..hehehe me HIV (hair is vanishing) mawalang galang sa mga kalbo…pero sabi ni nanay lolit magaling daw sa chicks ang mga kalbo...bakit kaya...pero malakas ang esq (tanduay)...hehehe esp ni kuya joey na me lihim si Hernan sa pilipinas...kaya siya nasa Canada...ano kaya ang lihim? Abangan….

16.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part2

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Part2 Dalawang beses nalaglag ang white jockey undies ni Kuya Joey, una sa front bumper…(oo nga pala itago na lang nating siyang sa pangalang Keanna) pangalawa sa rear bumper …wow kamukha niya si Vivian Velez from head to foot…..mga mata niya katulad ni Pops Fernandez at Hilda Koronel…at ang shoulder length na buhok niya ay kasing itim ng gabi at napakaganda ng kintab habang tinatamaan ng gintong araw na sumuwang sa bintana ng Tim Hortons…hindi magkamayaw ang mga katagang binibitiwan ni Kuya Joey…sa pagka-flawless ng chikababes na ito…mga tatlong balik din sa Tim Hortons si Kuya Joey bago napalagay ang loob ni Keanna kay kuya Joey..kaya eto me niyerbiyos na si kuya joey sa kakainom ng kape sa Tim Hortons at mataas ang kanyang blood sugar dahil sa sobrang tamis ng ngiti ni Keanna...hehehe Nalaman ni kuya joey na dalaga pa si Keanna, galing sa Saudi na nurse at landed immigrant na sa Canada, she is just waiting for the results of her qualifying test sa nursing so she can work as a nurse in Canada, habang wala pa so eto..tagabigay siya ng kape sa Tim Hortons…. wala na sa kalendaryo (pasado trenta na) pero nasa lotto pa…at matindi pa ang asim ni Keanna, miski ilang sinigang pa ...kayang paasimin ni Keanna..nasabi tuloy ni Kuya joey kay Keanna …siguro bulag yong mga nakikilalang mong mga lalake at mukhang hindi ka maligawan?…sabi niya umabot raw siya sa ganitong idad pero hindi pa raw niya nakikita yong lalaking magpapatibok ng puson niya…este puso… Me naiisip si kuya joey…. ipakilala ko siya sa aking contract worker na junior engineer…si Hernan….napapangisi si Kuya Joey….mabangis sa babae si Hernan… Itutuloy….

14.8.04

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons

Paano kung wala ka na…sa Tim Hortons Backgrounder….Paano kung wala ka na …meron version ni Pops at Eva Eugenio… Tim Hortons to yong pinaka starbucks ng Canada Bagong bili ang kotse na toyota rav ang kumander ni kuya joey ng idrive niya sa drive-thru ng tim hortons…iniwan niya sa bahay yong kanyang SUV…ipapamporma kasi ni kuya joey bago.. ng umoorder siya sa speaker ang narinig boses ay pinay palagay niya ….miski hindi pa nakikita ni kuya joey yong boses na kahalihalina…ganito ang narinig ni kuya joey …I do not want to talk to anybody on earth for the next three hours…nagulat siya o di pumarada siya at umorder sa counter and to check that voice…o naisip ni kuya joey dating starlet ito sa pinas..she is improvising she is an actress… hehehe Wow..maganda pala siya..uminit lang yong ulo niya dahil nakaaway niya yong kasama niyang bumbastik(bumbay) sa counter…sabi ni kuya joey.. Itutuloy…

13.8.04

Tag-araw

Joey…bakit ang lamlam at ang lungkot ng mga mata mo sabi ni Janet (itago na lamang natin siya sa pangalang.... Janet taga Proj 7…ang nickname niya ay Jeng for short…kasi mahilig siyang mag short…hehehe…ito ang mga katagang namutawi sa labi ni Janet…sabi ni Joey kasi mahirap lang kami…marami akong problema sa bahay...pinapa-solve ni Janet kay Joey ang second derivative ng isang trigonometric equation…buong suyo namang ginawa ni Kuya Joey..full scholar noon si kuya joey sa isang universidad sa maynila…kaya marahil nahulog ang loob ni janet kay kuya joey at dito ang simula ng isang magandang pag-ibig..nasundan ito ng mga simba sa manila cathedral tuloy sa fort santiago…pero dumadaan muna sila sa first..second…third bago sa fort…hehehe…jogging tuwing Sunday morning sa likod ng film center…tag-araw sa may dagat namasyal…. Parang kanta kuya joey… Tag-araw sa may dagat namasyal…..

Kung Ikaw ay Isang Panaginip

Nagkasabay kami sa jeep from city hall to 10th ave kanto…sabay kaming bababa sa aming high school…si Ara (itago na lamang natin siya sa pangalang ito…Ara…bestfriend ni Carmina…ayaw ni nanay lolit niyan..hehehe) si Ara by any standard ay superganda…. finalist siya sa miss magnolia noong araw…kung remember ninyo…si mary massab na mainstay sa iskul bukol…kabatch niya sa miss magnolia…anyway…habang nagbabayad si Joey ng pasahe nahawakan niya ang kamay ni Ara…it was like magic…he was holding her hand it seems like an eternity…ito ang simula ng kanilang MU (mutual understanding without expressing the word I love you…) ayaw nilang pabuko sa barkada….at doon nagsimula ang isang magandang panaginip…ngunit langit at lupa ang kanilang pagitan si Ara ay kinikilalang angkan sa bayang ito…. samantalang si kuya Joey ay taga iskwater…naging piping saksi sa kanilang dalawa ….ang gym ….ang oval…ang college bldg..at ang library….at ito po ang kanta ng hotdog ng mga panahon na iyon ….dekada 70… Hindi ako makapaniwala…na ikaw ay nasa aking piling…kung ikaw isang panaginip….. Ayaw ko nang magising… parang kanta Kuya Joey… is this song ….a Hotdog classic? …if my memory serves me right…. the lead female vocal then was Miss Mazo…also Ella del Rosario and the last female lead vocal was Zsa Zsa Padilla..

12.8.04

Love Won't Let Me Wait

Love Won't Let Me Wait Move a little close to me, you owe it to yourself And I will selfishly take a little for myself And it's because of you That love won't let me wait We met again…now at the wrong time..you have mistaken my silence for being insensitive..i have considered you as my soulmate…and yet you were not free….

Tell Me

Tell me where did I go wrong….mga piraso ng kanta ni Joey Albert…kantang bumibingi sa aking pandinig ng umalis si Aleli (hindi tunay na pangalan) upang pumunta ng bansang Hapon…upang mag-japayuki …alam ni Joey…na ito na ang katapusan ng magandang pag-ibig…hindi na siya babalik sa aking piling…habang nilalamon ng makapal na ulap ang kanyang eroplano…ay tumutugtog ang kanta ni Joey Albert…tell me where did I go wrong…sa malamig na paliparan ng NAIA….ahh….naglahong pag-ibig